Mga Paraan ng Pagsusumbong
Narito ang mga dapat mong gawin kung sakaling ikaw ay na sa panganib o nakatagpo ng online predator.
01
Siguraduhing idokumento ang lahat at i-screenshot ang ebidensya ng mga pag-uusap. Mahalagang nakikita ang pangalan o username ng mapang-abuso.
02
Huwag hayaang ilihim o hawakan nang mag-isa ang insidente. Ang mga lokal na ahensyang nagpapatupad ng batas ay katuwang sa pagtugon sa isyung kinakaharap ng mga kabataan laban sa online predators.
03
Tumawag sa mga sumusunod na hotline at numero:
911
Bantay Bata 163
1343 (Metro Manila)
02 1343 (labas ng Metro Manila)
117 (Philippine National Police)
532-6690 (Anti-Violence Against Women & Children Division)
o kaya sa hindi pang-emergency na numero ng iyong lokal na pulis upang mag-ulat ng problema.
Gamitin ang website na ito kung ikaw ay biktima ng mapanlinlang na pagsasamantala.