Mga Senyales ng isang Online Predator
01
Intensyonal na paglapit ng isang taong hindi mo kilala na sinamahan ng ilang beses na pangungulit o paulit-ulit na tanong, mapa-personal o hindi man.
03
Ang ngalan na ginamit o ipinakilala ay hindi tunay na pangalan, at pawang pangalan ng iba o pinagsama-samang pangalan ng iba lamang
05
Madalas na pangungulit na magkita o mag-usap nang pribado at pangangako ng mga regalo o pabor bilang paraan upang makakuha ng tiwala at atensyon mula sa kanilang biktima.
02
Paggamit ng manupilasyon para makontrol ang biktima at magawa ang kanilang layunin.
04
Maaaring gumamit ng pananakot, pag-uutos o gumagamit ng agresibong ugali upang kontrolin ang kanilang biktima o magkaroon ng kapangyarihan sa kanila.
06
Pag-udyok na makilahok sa mga sekswal na aktibidad online o personal na pakikipagtagpo.
Sa pagkakaroon ng kaalaman sa mga babala o senyales na ito, mas mapapanatili nating protektado hindi lamang ang ating sarili, pati na rin ang ating mga kakilala at minamahal.
Kaya naman, kung sakaling may mapansin na anumang senyales sa mga nabanggit, mahalaga na dapat agad itong ipaalam sa nakatataas, o nakatatanda.
Pakitandaan, walang mangbabastos kung walang bastos!